Isinilang ako sa San pablo,Laguna noong Disiyembre 27,1994.Sabi nila isa raw akong mabait na batang babae kaya’t ang ipinangalan nila sa akin ay,Girlyn.Bunga ako ng mabuti at mabungang pagsasamahan ng mag-kabiyak na Salvador Baldovia Nacario tubong pili,camarines Sur at Marita Paglinawan Cañaveras mula naman sa Naga,Camarines Sur. Apat kaming magkakapatid,dalawa kaming babae at dalawa ring lalaki,na sa tingin ko ay may kanya-kanya kaming talentong taglay.
Naaala-ala ko pa noong bata pa ako,halos lahat ng aking mga kalaro ay mga lalaki ito ay sa kadahilanang kapag babae ang mga kasama ko ay inaaway ko lamang ang mga ito.hanggang sa nang pumasok na ko ng elementarya sa Paaralang Elementarya ng Sto.Niño,natutoi na kong makisalamuha sa mga babae .
Noong ako ay limang taon pa lamang, lumalaban na ako sa iba’t ibang paligsahan, kalimitan ditto ay sa larangan ng sayaw. Naalaala ko pa noong nanalo kami ng first place sa isang paligsahan sa sayaw sa aming baranggay.Dahil sa sobrang kasiyahan ,nasira ko ang tropeyong aming natanggap.Pero hindi doon nagtataposmarami pang laanan ng ibat;ibang uri ng sayaw ang aking nasalihan,may folk dance ,ballroom,cheerdance ,hiphop at modern dance.Naging masaya ako sa nakahiligan kong propesyn,dahilsa mura ko pang isipan ang akala ko ay laro lamang ang lahat.
Sa edad na 13 taong 2007, tumapak ako ng hayskul sa paaralang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Dito marami pang bagay ang aking natuklasan at maraming pagbabago ang naganap sa aking isipan at gawi dahil laking bukid ako, hindi ko alam ang pasikot sikot sa bayan kaya madalas nalliligaw ako. Pero kahit ganoon, hindi nagtagal, sa tulong ng mga mahal kong kaklase, natutunan ko ang bawat sulok ng bayan. Sa katunayan, mahigit dalawang buwan akong kasabay ng ate ko sa pagpasok at pag uwi.
Minsan naisip kong subukang ng mag isa, naglakad ako hanggang sa bayan, nang nasa kalagitnaan na ako, hindi ko na alam kung saan ako pupunta, hindi ko na rin alam kung paano bumalik sa skul kaya’t wala akong nagawa kundi magtanung. Sa awa ng diyos, natunton ko ang paradahan papunta sa Brgy. Sto. Niño, kung saan ako nakatira. Walang paglagyan ang aking kasiyahan, akala ko ay hindi na ako makakauwi.
Sa edad naman na 14, third year na ako noon, masasabi kong dalaga na ako. Natutunan ko kung paano umibig, na hindi ko naramdaman kahit naisip ko noong ako ay nasa elementarya palang. Humanaga ako sa isang fourth year student na masasabi kong nagging first love ko na. naging masaya ako sa araw-araw na magkakausap, magkakatext kami o Makita man lang siya naging inspirasyonko siya sa pag aaral. Kasama ng aking mga kaklase, sinusuportahan ko siya sa bawat paligsahan ng kanyang sasalihan, particular na sa mga dance contests at mga pageant, tulad ng campus sweetheart at iba pa. masaya ako dahil kahit mga kaklase ko ay malapit ang loob sa kanya.
Hanggang sa tumuntong ako sa fourth year, siya pa din hinahangaan ko. Palagi ko pa din siyang nakikita kahit na graduate na siya. Bukod sa kanyan, naging masaya din ako sa piling ng aking mga kaklase. Ngayong fourth year napatunayan ko ang kasabihang “save the last for the best”.
Kahit huling taon na sa hayskul, masasbi kong ito ang pinakamasaya at pinaka hindi ko malilimutan sa lahat, dahil sa hirap at ginhawa kasama ang buong scyber phoenix, sama sama naminh binuo ang isang masaya at hindi makakalimuttang mga pangyayari sa buhay ng lahat, sama sama naming nilalagpasan ang lahat ng mga pagsubok na dumaraan sa amin. Sa oras na mayroon akong problema, nanadyan silang lahat upang suportahan ako at tulungan. Naging masaya ako sa araw araw na kasama ko sila. Kahit anong lungkot na nararamdaman ko, mula sa mga problema n gaming pamilya, sa tuwing pumapasok ako sa paaralan at nakikita ko ang mga masasaya nilang mukha. Nalilimutan ko lahat ng mga problemang ito. Pakiramdam ko kapag kasama ko ang buong scyber phoenix, walang problemang at pagsubok na hindi naming kayang lampas an at wala ring bagay ang makapgpapalungkot sa mga masasayanilang mukha. Kahit anong hirap ng exam, kahit ma-zero kami dinadaan na lang naming ang lahat sa biro at hindi kami nawawalan ng ng pag asa. Lagging inilalagay naming sa aming isipan na babawi kami at hindi na ito mauulit.
Naging simple lang ang buhay ko araw araw, kahit minsan ay nanganganib akong hindi makapasok dahil sa wala akong pamasahe papuntang skul. Patuloy pa din akong hindi nawawalan ng pag asa.
No comments:
Post a Comment